
Another chapter is about to unfold...
Yesterday, my whole life flashed before my eyes.
Kahapon, papunta ako ng UP para sa isang activity ng future Org namin. Pagbaba ko ng MRT, may naghihintay na FX at jeep sa may kalsada. Ngadalawang isip pa ako kung ano ang sasakyan ko. Well, dahil kahapon na nagtaas ang pamasahe, sumakay ako sa jeep. Nang palapit na kami sa intersection, bigla na lang bumanggga yung jeep na sinasakyan ko sa isang owner jeep. Sobrang nagulat ako. Kasi nung lumingon ako, nayupi yung harap ng owner jeep. Yung jeep naman namin, halos umikot ng 90 degrees sa sobrang lakas ng impact. Sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko nung time na yun. Nakiramdam ako sa paligid. Yung mga taong pasahero na kasama ko, di ko nakitaan ng kaba tulad ng naramdaman ko. Akalain mong nakuha pa nilang bawiin yung ibinayad nila dun sa driver! Feeling ko ako lang talaga ang kinabahan sa jeep na yun. Bumaba agad ako nung nakita kong tumatagas yung gas dun sa owner. Sumakay agad ako ng ibang jeep.
Pag dating ko sa Office (tambayan ng future Org namin), binati ako nung mga friends ko. Di ko na sila napansin dahil dumiretso agad ako sa sofa. Nanlalambot ang tuhod ko, kaya kailangan kong maka-upo agad. Nang tanungin nila ko kung bakit parang galit ako, dun na ako nagsimulang umiyak. Sobrang natakot talaga ako.
Kaya sa inyo dyan na nagco-commute, ingat lang po ng konti...